Sunday, September 22, 2024
DocumentsLimburg

Aming Narinig: Ang Diyos Ay Kasama Nyo

 Para sa Kuwaresma 2024 ni Georg Bätzing, Obispo ng Limburg

Mga minamahal na Kapatid sa Pananampalataya!

Sa unang ilang buwan ng taon, maraming tensyon sa maraming departamento ng akawnting. Ang taunang pagtatala ng mga transaksyong pinansyal ay kailangang ihanda at upang mailahad sa mga ulat ang buod ng mga pananalapi ng nakaraang taon. Ang kita at pagkalugi ay tinimbang at pagkatapos ay maaring makita kung ang taon ay matagumpay para sa kumpanya: positibo o negatibo.

Ang mga paglakas at paghina, paglago o pagbagal ay tinitimbang sa pag-asang ito ay tutungo sa sa isang positibong direksyon. Tila ito ay likas sa tao. Gayunpaman, kung susubukan natin ang isang “pagsusuri sa pagtatapos ng taon “sa mas malaking konteksto ng mundong ito, ang mga bagay aymukhang makulimlim. Ang kumpiyansa na maaari tayong maging matagumpay sa pagsugpo sa mga sanhi ng pangingibang bansa at krisis sa klima kasama ang bunga nito sa ekolohiya at ekonomiya: negatibo. Ang pagasa na maisip ng mga tao na ang dahas at digmaan ay walang anumang naidudulot namabuti: negatibo. Oo, marami na namang nasayang sa mundo; hindi na mabilang ang nawalan ng buhay.

I-download at basahin ng buo ang documento isinalin mula sa German

Unable to display PDF file. Download instead.