faith_horizon.png

LentenRecollection2023_Poster.png

2023Events.png

Minamahal naming mga Filipinong Parishioners ng Bistum Limburg,

Simula po noong Mayo 3, 2020 ay muli pong pinapayagan ang pagdiriwang ng Banal na Misa at iba pang religious activities sa mga Simbahan. Ngunit para matiyak ang kaligtasan ng lahat ay hindi po muna kagaya ng dati ang pwede nating gagawin dahil sa banta pa din ng pandemya.

Mayroong mga itinakdang istrektong panuntunan na dapat susundin ng lahat nang makikiisa sa Banal na Misa:

  1. Napakahalaga po na patuloy nating sundin ang "social distancing" kapag tayo ay pumapasok at lumalabas ng Simbahan. Iwasan po natin ang magkwentuhan sa loob ng simbahan.

  2. Lagi po nating isuot ang ating facemask na tinatakpan po ang ilong at bibig habang pumapasok at lumalabas ng Simbahan. Maari din po niyong isuot o hindi ang facemask kung kayo ay nasa upuan na.

  3. Dahil po sa "social distancing" sa loob ng simbahan ay limitado lang po ang pwedeng pumasok kapag may misa. Para mapanatili po ito ay kailangang magpa register tayo ilang araw bago po ang misa sa ating Coordinator  pamamagitan ng tawag, e-mail o kaya Facebook Messenger. Kapag napuno na po yong bilang na itinakda ng parokya doon sa early registration pa lamang ay hindi na po tatanggap ng registration pa at sasabihin na puno na. Mag try na lamang po kayo sa susunod na Misa.

    Kung hindi po kayo nakapag register at mayroon pa namang bakante ayon sa itinakdang bilang ng upuan ay pwede pa din naman kayong pumasok. Pero kung puno na ay hindi na po kayo papayagang pumasok sa Simbahan. Igalang po sana natin ang pasya ng tagapag bantay sa pintuan para sa kapakanan ng lahat. Ang listahan po ng mga dumalo ay itatago po sa upisina para madali pong mahanap kung sakaling magkaroon ng infection. Sisirain po ang listahan pagkatapos ng 21 days.

  4. Ang mga taong may sintomas ng ubo, sipon o lagnat ay hindi paapayagang pumasok sa Simbahan para makiisa sa pagdiriwang ng Banal na Misa. Kung may nararamdaman kayong sakit ay huwag na pong tumuloy para hindi na kayo papauwiin ng tumatao sa registration table. Disisyon po ng mga nasa "risk group" kung gusto nila o hindi ang pagdalo.

  5. Hindi po pinapayagan ang pagkanta ng choir para mapanatili ang "social distancing".

  6. Kailangan po kayong mag disinfect ng kamay bago pumasok ng Simbahan. Mayroon pong taong magbabantay sa Entrance para paalalahanan na dapat kang mag hand disinfection.

  7. Mangyari lamang po na tayo ay umupo sa lugar na kung saan ay minarkahan na pwededng upuan. Ito ay para mapanatili ang layo ng pag-upo ng 1.5 meters mula sa iba. Ituturo po sa inyo ng usherette kung saan kayo pwedeng umupo at huwag po sana tayong mamimili ng upuan. (Ang pamilya po at household na nakatira sa iisang bahay ay pwedeng maupo nang magkakasama).

  8. Ang inyong mga offerings at Mass intensiyon ay ilalagay na po natin sa basket sa harap po ng Altar bago pa po mag umpisa ang misa. Isulat na po ninyo ito sa inyong mga bahay.

  9. Ang pagbati ng kapayapaan ay wala pong pisikal na pagbati na mangyayari.

  10. Ang pagtanggap po ng Kumonyon ay sa pamamagitan ng dalawang kamay at ito ay nakabuka para ilalagay na lamang ito ng hindi mahahawakan ang inyong kamay.

  11. Saka lamang po maaring ilagay ang inyong koleksiyon sa mga basket sa likod pagkatapos po ng misa habang kayo ay lumalabas ng Simbahan.

  12. Pagkatapos po ng Misa ay hinihiling namin sa inyo na huwag na po tayong mag istambay o maggrupo-grupo para mag kwentuhan sa labas po ng Simbahan. Wala pong Agape. Mahigpit po ang pag-uutos sa atin ang iwasan ang gathering of more than two people. Wala po sanang pasaway.

Ang lahat pong ito ay itinakda po sa atin ng ating Diyoses at inaprubahan po ng mga kinauukulan ng gobyerno para sa maayos, ligtas at marangal na pagdiriwang ng Banal na Misa. Sana po ay lawakan natin ang ating pang-unawa para maiwasan natin ang misunderstanding kapag mahigpit po nating ipinapatupad ito. Sundin lang po sana natin ang lahat ng panuntunan para maiwasan natin ang pagpataw ng penalty ayon sa itinakda ng gobyerno.

Maraming salamat po.  Panatilihin po nating ligtas at nasa magandang kalusugan tayo.

Pagpalain po tayong lahat ng Diyos.

 

Frankfurt

Wetzlar

Wiesbaden

Limburg

Bad Homburg

Mass Schedules

marker.pngSt Ignatius Church Sundays 14:00 Uhr  
marker.pngSt Marien Church 1ˢᵗ Saturday 17:00 Uhr  
marker.pngSt Andreas Church 2ᶮᵈ Saturday 16:00 Uhr  
marker.pngSt. Vincenz Church 3ʳᵈ Saturday 15:00 Uhr  
marker.pngSt. Michael Kapelle 4ᵗʰ Sunday 15:00 Uhr  

    Check the Community Calendar

The Gospel Today

Saint Of The Day

CNA